DTI, pinaigting ang laban kontra price manipulators sa gitna ng inaasahang pagtama ng La Niña

DTI, pinaigting ang laban kontra price manipulators sa gitna ng inaasahang pagtama ng La Niña

BINIGYANG-diin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang halaga ng whole-of-government approach laban sa price manipulators at protektahan ang mga konsyumer sa gitna ng inaasahang La Niña phenomenon.

Sa isang pahayag, sinabi ni DTI Secretary Fred Pascual na pinaigting nila ang pagsisikap upang matiyak ang epektibong pangangasiwa sa paghahanda para sa La Niña sa pamamagitan ng mahigpit na nationwide price monitoring.

Bukod dito, mahigpit din na nakikipagtulungan ang DTI sa Department of the Interior and Local Government (DILG) upang ma-reactivate ang Local Price Coordinating Councils (LPCCS).

Pinaalalahanan naman ng kalihim ang mamamayang pilipino na ang automatic price control ay magkakabisa sa mga lugar na isasailalim sa state of calamity dahil sa La Niña.

Nagbabala rin ang DTI chief na kakasuhan ang sinumang indibidwal na mahuhuli na nagsasagawa ng iligal na pagmamanipula ng presyo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter