DTI, sinabi na kakasya ang P500 pambili ng Noche Buena; Netizens, umalma

DTI, sinabi na kakasya ang P500 pambili ng Noche Buena; Netizens, umalma

SINABI ng Department of Trade and Industry (DTI) na kakasya ang limang daang piso bilang pambili ng Noche Buena items ngayong Kapaskuhan para sa isang pamilyang may 4-5 myembro.

Sa inilahad na price breakdown ng DTI, ang spaghetti bundle ay mabibili sa halagang P112; ang salad bundle ay mabibili sa P116.50; at Pinoy pandesal sa halagang P23.50.

Habang ang cheese ay P41.75; ground pork sa halagang P31.25; at hamon sa halagang P163.

Bago pa ang pinakalatest na price breakdown na ito, sinabi na rin ni DTI Usec. Ruth Castelo na kakasya ang P1-K pang-Noche Buena.

Sa kabila ng computation na inilahad ng DTI, marami sa mga Pilipino sa pamamagitan ng iba’t ibang social media platforms ang nagsasabi na hindi kakasya ang budget na inilahad ng ahensya.

Madalas na sinasabi ng iba, hindi ordinaryong hapunan ang pinag-usapan kundi handaan ngayong holiday season gaya nga nitong Pasko.

 

Follow SMNI News on Twitter