WALANG nakikitang pagtaas sa presyo ng Media Noche items at sa ilang pangunahing bilihin ang Department of Trade and Industry (DTI).
Ayon kay DTI Asec. Amanda Nograles, pareho pa rin ang presyo ng pang-Noche Buena hanggang sa katapusan ng taon o hanggang sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Ilan sa tinukoy na mga produkto ng opisyal ay ang ham, queso de bola, spaghetti, at fruit salad ingredients.
Tiniyak din ng DTI official na bukod sa Media Noche items, hindi rin magtataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng sardinas, tinapay, condiments, at iba pa.
Samantala, inaasahan naman aniya ang pagpapatupad ng price adjustment sa mga pangunahing produkto matapos aprubahan ng DTI ang taas-presyo na hiningi ng ilang manufacturer.