Dubai, nakuha ang ika-23 pwesto bilang popular na syudad sa pinakamayayamang residente

Dubai, nakuha ang ika-23 pwesto bilang popular na syudad sa pinakamayayamang residente

NASA ika-23 pwesto ang Dubai sa popular na syudad sa pinakamayayamang residente.

Napabilang ang Dubai sa listahan ng pinaka-popular na syudad para sa pinakamayayaman matapos itong makapagtala ng 18 porsyento na pagtaas sa kita ng mga indibidwal na mayroong malalaking net worth sa unang 6 na buwan ng taon.

Ang status ng Dubai bilang isa sa pinakamabilis na lumalagong syudad ay naging dahilan para tawagin itong City of Gold, Gulf Tiger at Jewelry Destination of the World.

Ayon sa isang bagong pag-aaral, natuklasan na ang Dubai ay bahay ng 13 bilyonaryo, 202 centimillionaire at tahanan ng aabot sa 68 milyonaryo.

Ang ulat na ito ay nailathala ng London-based firm Henley Global Citizens report para sa ikalawang kwarter ng taon.

Ayon pa rito, dahil sa basic materials, hotels, financial services, oil and gas, real estate, retail at transport ay napanatili ng Dubai na matatag ang ekonomiya nito.

Ang prime residential areas gaya ng Emirates Hills, Jumeirah Golf Estates at Palm Jumeirah ay ilan lamang sa mga lugar sa Dubai na popular sa mga milyonaryo.

Inaasahan namang papasok sa top 20 wealthiest cities para sa pinakamayayaman ang Dubai sa taong 2030 dahil patuloy ang paglago ng bilang ng populasyon ng milyonaryo sa syudad.

Follow SMNI NEWS in Twitter