NANGUNGUNA sa mundo ang Dubai pagdating sa business travel recovery.
Ayon sa datos ng travel port, ang mga booking sa Dubai sa taong 2022 ay lumago ng 14% kung saan nalamangan nito ang 2019 performance ng 14%.
Ang Emirata ay ikalima sa mundo pagdating sa recovery para sa indibidwal na destinasyon kung saan kabilang din dito ang Dominican Republic, Montego Bay sa Jamaica at Mexican Resort sa Cancun.
Iniulat naman sa Travelport na karamihan sa corporate travel ay bumubuo sa one-third ng kabuuang bookings ng Dubai ngayong taon.
Matatandaan na ang London ang top corporate destination noong 2019 bago ang krisis ng COVID-19.
Ayon sa Travelport, ang high vaccination rate ng Dubai maging ang pag-host nito sa major events gaya ng Expo 2020 at Dubai World Cup Horse Race ay nagbigay ng kontribusyon sa muling pag-recover ng paglalakbay sa lugar.