SA nagpapatuloy na NBA regular season, tila desidido ang Miami Heat na makapasok sa playoffs matapos ang dikit na laban kontra Philadelphia 76ers.
Sa kanilang laro noong Martes, Abril 8, nagawang manalo ang Miami Heat sa iskor na 117-105. Nanguna sa panalo ang trio na sina Duncan Robinson, Tyler Herro, at Kel’el Ware.
Nag-ambag ng 21 points si Robinson, habang may 20 points naman si Herro. Nagtala naman ng double-double na 19 points at 17 rebounds si Ware.
Sa ngayon, nasa ika-sampung pwesto sa Eastern Conference standings ang Heat na may 36 wins at 43 losses.
Susunod nilang makakaharap ang Chicago Bulls na nasa ika-siyam na puwesto.