Duterte Senatorial Candidates, magsasagawa ng motorcade sa Legazpi City, Albay

Duterte Senatorial Candidates, magsasagawa ng motorcade sa Legazpi City, Albay

NANANATILI pa ring mataas ang morale ng mga kandidato ng PDP Party sa kabila ng mga hamong kinakahaharap ng grupo dahil sa sinapit ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngayong araw, aarangkada ang grupo ng Duterte Senatorial Candidates para sa isang motorcade sa Legazpi City, Albay.

Kabilang sa mga kandidato na makikiisa sa motorcade sina Christopher Bong Go, Ronald Bato Dela Rosa, Lawyer and Singer Jimmy Bondoc, lawyer Raul Lambino, former actor Philip Salvador, lawyer Jayvee Hinlo.

Kasama rin sina Rep. Rodante Marcoleta, Pastor Apollo Quiboloy, at dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez.

Bitbit ng mga kandidato ang prinisipyo ng pagkakaisa, husitisya, pagkakapantay-pantay, at malasakit sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter