Duterte Youth PL: Boto ng kabataan, kritikal sa paglaban sa NPA recruitment at tamang pagpili sa 2025 elections

Duterte Youth PL: Boto ng kabataan, kritikal sa paglaban sa NPA recruitment at tamang pagpili sa 2025 elections

BINIGYANG-diin ni dating National Youth Commission (NYC) chairman at ngayon chairman ng Duterte Youth Party-List na si Ronald Cardema ang kahalagahan ng boto ng mga kabataan sa nalalapit na 2025 midterm elections.

Ayon sa datos ng Commission on Elections (COMELEC) ngayong 2025, mula sa mahigit 67 milyong rehistradong botante, halos 47 milyon dito ay kabataan—katumbas ng 68% ng kabuuang voting population.

Dahil dito, ipinunto ni Cardema ang napakahalagang papel ng mga kabataan sa pagbabago ng hinahangad para sa bansa.

“Dapat talagang ipalaganap natin ang adbokasiya ngayon na ang ating mga kabataang Pilipino ay bumoto,” wika ni Ronald Cardema, Chairman, Duterte Youth Party-List.

Dagdag pa ni Cardema, mahalaga ring maging mulat ang kabataan sa tunay na kalagayan ng bansa, lalo na’t sila ang pangunahing target ng recruitment ng mga makakaliwang grupo tulad ng CPP-NPA-NDF.

Binigyang-diin ni Cardema ang mahalagang papel ni Pastor Apollo C. Quiboloy bilang katuwang ng Duterte Youth Party-List sa paglaban sa radikalisasyon ng kabataan.

Ayon kay Cardema, isang malaking bahagi ng kanyang mga nakakausap sa mga pag-iikot sa iba’t ibang lugar—bata man o matanda— ay nagpapahayag ng kanilang suporta sa mga kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na aktibong lumalaban sa mga makakaliwang grupo, at lalong-lalo na kay Pastor Quiboloy.

Sinasabi ko rin, kumbaga isa sa party-list po ay ang Duterte Youth Party-List na lumalaban sa mga makakaliwang grupo. Labanan ang mga makakaliwang grupo na nagre-recruit sa mga kabataang Pilipino papuntang NPA,” giit ni Cardema.

Hinimok din ni Cardema ang kabataan na maging mapanuri sa mga grupong pinagmumulan ng impormasyon at organisasyon, lalo na’t napatunayan na ang ilang party-list, tulad ng Kabataan Party-List, ay nauna nang natukoy bilang prente ng CPP-NPA-NDF.

Isang paalala po, ‘yan pong Kabataan Party-List ni Raul Manuel hindi po tayo ‘yan. ‘Yan ang nagre-recruit sa ating mga anak, apo, at mga kabataang Pilipino papunta sa mga makakaliwang grupo. At napatunayan na natin na marami dun ay napatay na bilang NPA,” aniya.

Sa kabila ng mga hamon, nananatiling positibo si Cardema na ang kabataan ay handang gamitin ang kanilang karapatan upang pumili ng mga lider na magsusustento at magtatanggol sa kanilang kinabukasan.

Sa pagtatapos, hinimok ni Cardema ang kabataan na maging mapanuri, matalino, at maalam sa pagpili ng mga kandidato—mga lider na tunay na magsusulong ng kapakanan ng bansa, at iwasan ang mga grupong maghahatid sa kanila sa maling landas.

Dahil dyan alam natin na iboto lamang nila sina Pastor Apollo Quiboloy, ang ating mga kandidato na kaalyado ni Pang. Duterte.”

“At maaasahan nila ‘yung pagbabago sa ating bansa, at pag-asa ng bayan na mailuluklok natin ang mga mabubuting lider na nagdadala ng katotohanan sa ating bansa,” saad nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble