DuterTEN magsisilbing ‘checks and balances’ sa pamahalaan sakaling manalo—Sen. Bato

DuterTEN magsisilbing ‘checks and balances’ sa pamahalaan sakaling manalo—Sen. Bato

MAGSISILBING ‘checks and balances’ sa pamahalaan ang DuterTEN o ang senatorial slate ng PDP-Laban sakaling manalo sila sa midterm elections.

Ayon ito kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa sa ginawang miting de avance ng PDP sa Liwasang Bonifacio nitong Mayo 8, 2025.

Aniya pa, panahon na para hindi na magkakaroon ng mga mambabatas na ang iniisip ay puro bulsa lamang kung kaya’t iboto ang DuterTEN.

Sa huli, nanawagan si Dela Rosa sa mga botante na suportahan ang mga kandidatong isinusulong ang kampanya laban sa droga, kriminalidad at korapsiyon ngayong halalan sa Mayo 12.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble