HINIHIKAYAT ngayon ni Trade Secretary Alfredo Pascual ang mga local government unit na e-adopt na ang e-governance sa kanilang lokalidad.
Aniya, mas mapapabuti ng mga lokal na pamahalaan ang pakikipagkumpetensiya lalo na sa pagnenegosyo kung ma-digitalize na ang kanilang pagpoproseso.
Saad pa ng kalihim, ang ideal digitalization ng mga LGU ay ang pagtatag ng karaniwang digital system sa mga syudad at munisipalidad.
Tiwala rin si Pascual na sa pamamagitan ng digital process ay mapabibilis ang lahat ng trabaho at maibigay ang serbisyo na kinakailangan ng mga nagnenegosyo at namumuhunan.