NANAWAGAN ngayon si BHW Party-list Rep. Angelica Natasha Co sa pamahalaan na tanggalan ng tax ang movie tickets.
Paliwanag ng mambabatas, daan ito para mas mahikayat pa ang maraming Pinoy na manood ng sine o palabas.
Panawagan ng kongresista na lahat ng tax mapa national, local o foreign man ay dapat alisin para nang sa ganun ay mas mapuno pa ang mga sinehan.
‘’Getting our people out of their homes and returning to what they did before the pandemic, including watching movies, will revive the entertainment industry and the economy. If there are no audiences, producers will not make those movies and stage plays,’’ saad ni Co.
Giit din ni Co na hindi solusyon ang pagpapataw ng buwis sa foreign films, TV series at iba pang media output na pumapasok sa bansa para makatulong sa Filipino talents at entrepreneurs.
Sa halip, pwede raw gawing pattern ng Pilipinas ang strategy ng ibang bansa katulad ng South Korea sa pagbibigay suporta sa Filipino Creative Industry.
