IPINANGAKO ng European Union (EU) na maglalaan sila ng €7.7-B na katumbas ng $8.39-B para sa humanitarian aid ngayong 2024.
Bagama’t bahagyang mababa ito kumpara sa €8.4-B noong 2023, sinabi ni EU Humanitarian Aid and Crisis Management Chief Janez Lenarcic, kahit papaano ay makatutulong na ito sa nasa 300-M katao na nangangailangan ng ayuda.
Kasama na sa bibigyan ng humanitarian aid ay ang Gaza Strip.
Sa ngayon ay tinututukan ng EU kung paano makapagpadala ng mas maraming ayuda sa lugar.