‘Early detection’, tugon upang maiwasan ang mas malalang sakit ng cancer

‘Early detection’, tugon upang maiwasan ang mas malalang sakit ng cancer

ITINUTULAK ngayon ng isang pribadong sektor ang ‘early detection’ o ang maagang pagtuklas ng sakit na cancer.

Sa datos kasi ng Philippine Statistics Authority (PSA), ikalawa na ang cancer sa nangungunang dahilan ng pagkamatay ng mga Pilipino noong nakaraang taon.

Gaano man kahirap ay patuloy na nakipag-laban noon sa isang sakit si Dr. Maria Paz-Pecson Corrales.

Hindi naging madali para sa kaniya ito lalo’t hindi niya lubos akalain na ang maliit lamang na umbok sa kaniyang leeg noon ay nauwi sa Stage 2 Thyroid cancer.

Mas malaki na ang kanilang nagastos dahil sa matagal pa bago niya nalaman ang pagkakaroon ng Thyroid cancer na naging dahilan ng matagal na gamutan.

Kung kaya’t, malaking bagay ang pagkakaroon ng ‘early detection’ o maagang pagtuklas ng cancer upang maiwasan ang pag-develop nito sa mas malalang kondisyon.

“Early detection saves lives and make life more productive,” ayon kay Dr. Maria Paz-Pecson Corrales, Cancer Survivor.

Araw ng Martes, nagsama-sama ang iba’t ibang medical professionals, local health authorities at lokal na pamahalaan para ikampanya ang kahalagahan ng early detection sa sakit na cancer.

Ito ay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng cancer na banta sa kalusugan ng maraming Pilipino.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na inilabas nito lamang Enero, ikalawa na ang cancer sa nangungunang dahilan ng pagkamatay ng mga Pilipino noong 2023.

Tinawag ang kampanya na Cancer Warrior PH ng nagtutulak ng pagpapalawak sa education campaign at early cancer screening.

“Ibahin natin ‘yung mindset ng Pilipino na huwag nang matakot kasi kung takot ka, lalong lalala ang sakit mo na hindi na magagamot. Wala pa tayong nararamdaman, wala pa tayong sintomas ay nagpapa-checkup na tayo,” saad ni Dr. Paulyn-Jean Ubial, Former Health Secretary & Medical Director, Genelab PH.

Sa pamamagitan aniya ng Multi-Cancer Early Detection (MCED) na isang non-invasive na molecular test ay mabilis na lamang ma-detect kung may cancer ang isang indibidwal kahit wala pa itong anumang nararamdamang sintomas.

“Blood test lang, hindi na kinakailangan mag endoscopy, ‘yung tinutusok o colonoscopy or ‘yung mga biopsy ‘yung atay mo so nagkakaroon ng sugat sa operation. Ito ay blood test lang,” dagdag pa nito.

Dagdag pa ng DOH, maraming ospital na sa iba’t ibang rehiyon ang nagbibigay ng serbisyo sa mga pasyenteng may cancer.

“The Department of Health always will support any campaign of the early detection of cancer not only its prevention but also its treatment,” ayon kay Usec. Eric Tayag, DOH.

Batay sa datos ng PSA, umaabot sa 159,000 ang kaso ng sakit na cancer sa bansa kada taon kung saan 92,000 dito ang namamatay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble