NAIS ng Commission on Elections (COMELEC) na magkaroon ng early voting at mall voting para sa 2025 midterm polls.
Layunin nito ang maprotektahan ani COMELEC Chairman George Garcia ang mga voter mula sa mainit na panahon.
Ang early voting na posibleng gagawin mula alas singko hanggang alas siyete ng umaga ay ilalaan nila para sa seniors, mga buntis na kababaihan at persons with disabilities (PWDs).
Kung hindi man makaboto nang maaga ay maaari pa rin itong makaboto anumang oras.