INANUNSIYO ng K-pop girl group na LE SSERAFIM na magkakaroon sila ng ‘Easy Crazy Hot’ world tour ngayong taon.
Ang kickoff nito ay ang two-day event sa Abril 19 hanggang 20 sa Inspire Arena, Incheon, South Korea.
Ang Manila leg naman ng naturang world tour ay sa Mall of Asia Arena sa Agosto 2.
Batay na rin sa anunsiyo, sa Setyembre nakatakda ang kanilang North American leg.