MAGIGING private na ang EDSA Bus Carousel sa 2023.
Ito ang sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Jaime Bautista kasunod sa pagtatapos ng Libreng Sakay Program sa December 31, 2022.
Ilang buwan na ang nakalipas nang ibinunyag ang planong ito at ayon sa Management Association of the Philippines (MAP), nakakatulong ang privatization ng EDSA Bus Carousel para matugunan ang kasalukuyang estado ng pampublikong transportasyon.
Masosolusyonan din nito ang fiscal at procurement limitations kaya mas mapapaganda ang bus carousel.
Maiaangat pa sa global standards ang transportasyon ng bansa ayon kay MAP Infrastructure Committee Chair Eduardo Yap.
Samantala, magsisimula na ang muling pagbabayad ng pamasahe sa EDSA Bus Carousel sa alas singko ng umaga sa January 1, 2023.