IPINAGPALIBAN kamakailan ng Marcos administration ang rehabilitasyon ng EDSA habang hinihintay ang mas malinaw na plano para sa trapiko at rerouting bago simulan ang proyekto.
Magsisimula sana ang ₱8.7 bilyong rehab nito lamang June 13, ngunit iniurong ito sa buwan ng Hulyo.
Pero, kung ang urban planner na si Architect Jun Palafox ang tatanungin, katakot-takot na epekto sa ekonomiya ang kahihitnan ng proyekto kapag hindi nagawa nang tama.
‘‘If you close 1 lane of EDSA, you lose the capacity by 700 to 2,000 vehicles per lane per hour. So, with the 4 million pesos wasted in traffic maybe closing EDSA it would be 5-6 million pesos wasted every day,’’ ayon kay Arch. Jun Palafox, Architect and Urban Planner.
Pinag-aaralan na ng gobyerno na pabuksan sa mga motorista ang gated subdivisions at military camps sa kahabaan ng EDSA sa panahon ng rehab.
Sa naunang pag-aaral ng MMDA, nasa 20% ng 5, 030 kilometer ng road network sa Metro Manila ay nasa loob ng gated communities.
Ang tanong, posible kaya ito?
‘’EDSA is functioning as 8 parallel roads. And here are the eight parallel roads? Inside gated military camps and inside gated communities. Will there be social acceptance on that?’’ saad ni Arch. Jun Palafox.
Dagdag ni Architect Palafox, walang nag-iisang solusyon sa matinding trapik sa Metro Manila.
Pero kung may gagawin ang gobyerno, maaaring makamit ang long term solutions na ito.
Ang pinakailangan lamang ayon kay Palafox ay maayos na urban planning at ‘strong political will’ kahit na sinuman man ang Pangulo.
Mga solusyon sa matinding trapik sa Metro Manila, imuningkahi ni Palafox
‘’Maybe before closing EDSA, parallel bridges to Guadalupe bridge, even just pedestrian and bicycle bridges,’’ ani Palafox.
‘’Create counter-magnet cities, outside Metro Manila. Just relocating of national government offices outside Metro Manila. It will reduce the traffic siguro by 1 million population,’’ dagdag nito.