Edu Manzano, hindi dedepensahan ang kanyang anak na si Luis

Edu Manzano, hindi dedepensahan ang kanyang anak na si Luis

HINDI na kailangang depensahan ni Edu Manzano ang anak nitong si Luis kasunod sa pagkakaharap ng kanyang anak sa isang isyu ngayon.

Ayon kay Edu, nasa tamang gulang na ang kanyang anak at kaya na nitong ipaliwanag ang kanyang sarili.

Naniniwala rin si Edu na malalampasan ni Luis ang kasalukuyang isyu na kinasasangkutan nito hinggil sa Flex Fuel Petroleum Corporation.

Payo lang ng ama, kumuha ang anak nito ng magaling at mapagkakatiwalaan na abogado.

Taong 2020 nang maging chairman of the board sa Flex Fuel si Luis at ang chief executive officer nito ay ang business partner niya na si Bong Medel.

January 31, 2023 sa isang pahayag ng kampo ni Luis, sinabi nito na nakipag-ugnayan na ang aktor sa NBI noong November 2022.

Humingi na ito ng tulong noon para imbestigahan ang Flex Fuel at si Medel.

Nagbitiw na rin si Luis mula sa pwesto noong February 2022.

 

 

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter