IPINANAWAGAN ni House Deputy Speaker Rep. Rodante Marcoleta kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na bumaba na ito sa pwesto.
Kasunod ito sa umano’y maanomalyang procurement ng self-learning modules o SLMS para sa COVID-19 distance learning.
Nag-post kamakailan lang ang DepEd ng invitation to bid sa procurement ng SLMS para sa sampung subjects ng mga mag-aaral sa Grade 4 hanggang 10 na nagkakahalaga ng P4.2 billion.
Ayon kay Marcoleta, isang pagsasayang lang ito ng pondo lalo pa’t hindi naman maihahabol ang distribusyon nito sa 4th quarter ng pasukan na magsisimula sa Mayo 17 hanggang Hulyo 10, 2021.
“They have neither reformed nor learned their lessons. From the time I exposed the lack of learning modules for the 3rd quarter in my privilege speech on March 15, 2021, DepEd Central Office did nothing,” pahayag ni Marcoleta.
“I have called their attention many times, but Sec. Briones will simply say, I will refer this to the execom. Today, DepEd is being operated like it is a sari-sari store,” dagdag ni Marcoleta.
Ang deadline na nai-post ng DepEd ay hanggang Abril 27 subalit 30 hanggang 90 days ang normal na printing at delivery ng SLMS at tiyak na sa Agosto pa ito matatapos.
Dagdag pa ni Marcoleta, posibleng mabubulok lang ang mga ito gaya ng 25 million-peso worth na librong nailimbag ng Lexicon Press noong 2018 kung saan bigo itong nai-claim ng DepEd.
(BASAHIN: DepEd, planong i-update ang curriculum ng kinder hanggang Grade 10)