Edukasyong magpapalalim ng pagmamahal sa bansa, nais maisakatuparan ni Pastor ACQ para sa mga kabataan

Edukasyong magpapalalim ng pagmamahal sa bansa, nais maisakatuparan ni Pastor ACQ para sa mga kabataan

ISANG progresibong edukasyong magpapalalim ng pag-ibig at kaalaman sa bansa ang isa sa mga nais na isulong ng tumatakbong senador na si Pastor Apollo C. Quiboloy, ang leader ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Ayon sa tagapagsalita ng butihing pastor na si Atty. Kaye Laurente, sa pamamagitan ng “Education for All: The Patriotic Curriculum Act” ay nais tutukan ni Pastor Apollo ang paghubog sa mga kabataan na maging tunay na makabayan at hindi maging biktima ng mga banyagang ideolohiya.

Ito nga ay sakaling maupo si Pastor Apollo sa Senado sa darating na 2025 midterm elections.

“The goal is to instill a sense of national pride and identity among students, equipping them with the knowledge and values necessary to become responsible.”

“So ano ‘yung tinatawag natin mga negative ideologies? Alam naman natin ‘yung mga negative ideologies ng Marxism, Leninism, di ba? Maoism ideology. So, gusto ni Pastor, palitan na ‘yan. Tanggalin na ‘yan. Instead, i-instill sa bawat Pilipino, sa bawat estudyante, na dapat, Filipino pride. Filipino national identity,” saad ni Atty. Kaye Laurente, Spokesperson, Senatorial Aspirant, Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ipatutupad ito sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa ilalim ng Department of Education.

Samantala, isang paaralan din ang nais na ipatayo ni Pastor Apollo sa ilalim ng panukala at ito ay ang Philippine Academy.

“So, gusto ni Pastor na may tatapat na isang unibersidad na tatawagin niyang Philippine Academy kung saan ang criteria lang, ang qualification lang para makapasa ka, “ikaw ay isang patriotic na Pilipino. maka-Pilipinas ka, makabansa ka, makabayan ka at mahal na mahal mo ang Pilipinas at proud ka na Pinoy ka,” dagdag pa ni Atty. Laurente.

Sa loob ng nasabing paaralan, isang special curriculum na magpapalalim sa kaalaman ng mga kabataang Pilipino sa kasaysayan ng Pilipinas, kultura, kaugalian; maging ang pangangalaga sa kalikasan, pagpapaunlad ng ekonomiya, at maging maalam sa larangan ng media.

Lahat ito sa ngalan ng pagiging totoong Pilipino—mayaman man o mahirap.

Alam aniya ni Pastor Apollo ang pait ng kahirapan na dapat sana’y hindi na nararanasan ng mga kabataang Pilipino lalo na sa edukasyon, kaya tutukan din ito ng butihing pastor.

Kaugnay rito, binigyang-diin naman ni Atty. Kaye, na mayroon nang resibo o modelong ginawa si Pastor Apollo at ‘yan ang Jose Maria College Foundation, Inc. kung saan founding president ang butihing Pastor.

Malaking porsiyento ng mga estudyante dito ay scholar ni Pastor Apollo.

“Kasi lumaki po sa kahirapan si Pastor. He can empathize po. Paano ‘yung, mahirapan kang mag-aral kasi walang pangtustos ang iyong mga magulang dahil galing ka sa low-income na family. Kaya ganun na lang po ang paghahanda ni Pastor para sa education,” aniya.

Dagdag pa rito, ipinunto ng tagapagsalita ang pagpapahalaga ng butihing pastor sa kultura ng kahusayan o culture of excellence lahat ng bagay na dapat ay maisabuhay rin ng bawat Pilipino.

“Again, si Pastor, galing po siya sa mahirap na pamilya. Hindi naman siya graduate ng Economics, hindi naman siya graduate sa malaking unibersidad. Instead po nag-aral si po Pastor. Pinalago niya kung ano ang talento na ibinigay sa kaniya. At ‘yun po ang dahilan bakit lumago ng ganun na lang ang Kingdom of Jesus Christ,” saad pa ni Laurente.

“Kaya nga sinasabi natin to kasi nga, may Exhibit A na si Pastor. May resibo na siya. Meron na siyang finished product na ipakita na siya ay isang klaseng may brand of leadership na kaya niya talagang ipalago ang isang organisasyon, at ‘yung mga tao ay maimpluwensyahan niya na maging katulad sa kaniya. Na ayan po, ‘yung excellence,” giit nito.

Ayon pa kay Atty. Kaye, ilan lang ito sa higit 100 panukalang nagawa na ni Pastor Apollo sa kabila ng kaniyang sitwasyon sa kamay ng awtoridad.

Aniya, araw-araw ay nagpaplano na ang butihing pastor ng mga panukala para sa interes ng mga Pilipino at ikauunlad ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter