Eidl Fitr, magsisimula na ngayong araw

Eidl Fitr, magsisimula na ngayong araw

MAGSISIMULA na ngayong Lunes, March 31, 2025 ang pagdiriwang ng Eid’l Fitr ayon sa National Commission on Muslim Filipinos.

Ang Eidl Fitr o ang pista ng pagwawakas ng pag-aayuno ay isang mahalagang pista ng mga Muslim na nagpapahiwatig ng pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan.

Inihayag na rin ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na isa itong regular non-working holiday sa buong rehiyon.

Sa anunsyo naman ng Malacañang ay April 1 pa ang idineklarang regular holiday sa buong bansa bilang pakikiisa sa Eidl Fitr.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble