ITINANGHAL bilang World No. 2 sa Men’s Pole Vault Ranking ang Pinoy pride na si EJ Obiena.
Ito’y matapos makuha ni Obiena ang kaniyang career high point na 1,432 ranking points.
Nilampasan ni Obiena si American vaulter na si Chris Nilsen habang nanatili pa ring nasa top spot si Mondo Duplantis ng Sweden.
Sa kaniyang social media post, di nakaligtaan ni Obiena na magpasalamat sa lahat ng mga taong patuloy na sumusuporta sa kaniya lalo na sa pagkamit niya ng kaniyang pangarap.
Matatandaan, kamakailan lang nang nasungkit ni Obiena ang gintong medalya sa 25th Asian Athletics Championships sa Bangkok, Thailand.