PASOK na si pole vaulter EJ Obiena sa 2024 Paris Olympics matapos ma-qualified para sa 2024 Summer Olympics.
Sa kabila ito ng kaniyang pagkakasungkit ng ikalawang puwesto sa Bauhaus-Galan meet sa Sweden ngayong Lunes.
Sa record, naabot ni Obiena ang standard na 5.82 meters clear sa pole vaulting para maging kuwalipikado.
Dahil dito, si Obiena na ang kauna-unahang Pinoy na nakakuha ng kuwalipikasyon para sa Paris Olympics.
Samantala, ito na ang pangalawang pagkakataon na makasali sa Olympics sa pole vaulter.
Una itong sumali sa 2020 Tokyo Games.