IBIBIGAY rin kay Pinoy pole vaulter EJ Obiena ang “Gold, Grit and Glory’ Award sa gaganaping PSA Awards Night ngayong Enero 29, 2024.
Ang naturang award mula sa Milo ay para sa kahusayan, katatagan, at inspirasyon na hatid ni Obiena sa larangan ng pole vaulting.
Ang pole vaulter na ang pangalawang nakatanggap ng award na ito kasunod kay Hidilyn Diaz ng weightlifting noong 2023.
Samantala, maliban sa award na ito ay kikilalanin din si Obiena bilang “Athlete of the Year”.