NANALO ng gold medal mula sa naganap na Orlen Copernicus Cup sa Poland nitong Lunes, Pebrero 17, 2025 Manila time ang Pinoy pole vaulter na si EJ Obiena.
Sa naturang event ay nai-clear ni Obiena ang nasa 5.80 meters.
Ito na ang kaniyang ikalawang panalo para sa taong 2025.
Noong Pebrero 8 sa France sa Meeting Metz Moselle Athlélor nang unang nakuha ni Obiena ang gintong medalya.
Follow SMNI News on Rumble