PANALO sa kauna-unahang Pole Vault Challenge na inorganisa ng Philippine Athletic Track and Field Association (PATAFA) nitong Mayo 6, 2025 si EJ Obiena.
Ito’y matapos nai-clear niya ang 5.80 meters sa naturang event na ginanap sa Ayala Vermosa Sports Hub.
Sa record, ito na rin ang kaniyang pinakamataas ngayong season.
Ang panalong ito ay kauna-unahan din matapos ang sunod-sunod na pagkabigo ni Obiena sa Wanda Diamond League.