EJ Obiena, umaasang maging consistent representative ng Pilipinas sa pole vaulting

EJ Obiena, umaasang maging consistent representative ng Pilipinas sa pole vaulting

UMAASA si EJ Obiena na magiging consistent siya sa pagiging representative ng Pilipinas sa pole vaulting.

Kasunod ito sa ulat na siya ang kauna-unahang Pinoy na nagkaroon ng spot para sa Olympics.

Matatandaang ikalawang puwesto lang ang nakuha ni Obiena mula sa Bauhaus-Galan Meet sa Sweden nitong Lunes, Hulyo 3, 2023, Philippine time subalit hindi ito naging hadlang para hindi siya maging kuwalipikado sa Paris Olympics.

Sa naturang event, naabot ni Obiena ang standard na 5.82 meters clear sa pole vaulting para maging kuwalipikado.

Maliban sa 2024 Paris Olympics ay irerepresenta ni Obiena ang Pilipinas sa Asian Championships, The World Athletics at Asian Games.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter