TINAPOS ni EJ Obiena ang kaniyang outdoor season na may bronze medal.
Ito ay matapos na bahagyang kinapos sa pagtalon sa Ostrava Golden Spike sa Czech Republic.
Nakapag-clear lamang ng 5.90 meters ang Filipino pole vaulter sa naturang event.
Muli namang pinatunayan ni Armand Duplantis ng Sweden ang pagiging number 1 matapos makapag-clear ng 6.12 meters at kunin ang ikaapat na sunod na gold medal sa naturang season.
Habang naiuwi ni Kurtis Marschall ng Australia ang silver na nakakuha ng rin ng 5.90 meters finish sa isang attempt lang.
Kaugnay nito, nagpaabot naman ng pasasalamat si Obiena sa lahat ng sumuporta sa kaniyang laban.
Sunod nitong paghahandaan ang pagsisimula ng qualification period para sa 2024 Paris Olympics ngayong Hulyo.