Ejay Falcon, pinasalamatan ang adoptive father sa kanyang inagurasyon bilang bagong halal na vice governor sa Oriental Mindoro

Ejay Falcon, pinasalamatan ang adoptive father sa kanyang inagurasyon bilang bagong halal na vice governor sa Oriental Mindoro

KASABAY ng inagurasyon ng bagong halal na vice governor ng Oriental Mindoro na si Ejay Falcon, inihayag nito ang kanyang pasasalamat sa kanyang adoptive father na siyang nagpalaki sa kanya nang maayos.

Sa kanyang talumpati, ibinahagi nito ang malaking desisyon niya sa pagpasok sa pulitika at sa industriya ng showbiz dahil tutol umano ang kanyang ama para dito.

Inalala rin nito kung paano naging ama ang kanyang adopted father lalo na aniya noong siya ay sumabak sa PBB.

Sa ngayon ‘di makapaniwala si Ejay mula sa pagsabak niya sa showbiz, ngayon ay magsisilbi na ito sa bayan bilang vice governor ng lalawigan at kabahagi aniya ang gabay ng kanyang ama sa kanyang narating.

Hiniling din nito sa kanyang mga magulang na sana’y masaya sila sa kanyang pagsabak sa pulitika kahit pinigilan siya sa una dahil magulo ang pulitika.

Naging emosyonal naman ang kanyang ama dahil sa matagumpay na karera ng kanyang anak bilang aktor at bagong halal na bise gobernador.

Follow SMNI NEWS in Twitter