Ekonomista: Si Marcos Jr. at hindi si VP Sara ang ugat ng mga problema sa edukasyon

Ekonomista: Si Marcos Jr. at hindi si VP Sara ang ugat ng mga problema sa edukasyon

TUMAAS na naman ang utang ng Pilipinas sa ibang bansa.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umabot na sa $146.74B o halos P8.5T ang panlabas na utang ng gobyerno sa unang tatlong buwan ng 2025.

Ito ay mas mataas ng 14% kumpara noong nakaraang taon.

Pero saan nga ba napupunta ang mga perang inuutang ng gobyerno?

Ayon sa Canada-based Filipino economist na si Dr. Michael Batu, mahirap nang i-trace kung saan na napunta ang mga inutang na pera dahil napapasok ito sa general funds ng pamahalaan.

Ngunit kung pagbabasehan ang batas, pinakamalaking bulto ng budget ng national government ay napupunta sa edukasyon.

“DepEd ang may pinakamalaking budget. So, it’s normal to assume na ‘yung inutang natin, malaking porsyento niyan mapupunta sa DepEd. And yet we still see the same problems again and again,” wika ni Dr. Michael Batu, Filipino Economist sa Canada.

Sa kabila ng bilyun-bilyong pisong pondong inilaan, umaabot na sa 160,000 ang kakulangan sa mga silid-aralan sa buong bansa, ayon mismo sa DepEd.

Kaya ayon kay Batu, malinaw na maling tao ang tinutumbok ng gobyerno dahil hindi si Vice President Sara Duterte ang ugat ng problema.

“Wala na si VP Sara Duterte as DepEd Secretary and yet we still see the same problems di ba? So ibig sabihin, hindi si VP Sara ang problema,” ayon kay Dr. Batu.

Bukod sa matinding backlog sa mga silid-aralan, isa rin sa pinakamalalaking hamon ng DepEd ang kakulangan sa mga guro.

“The same problems are still there. Di ba lack of classrooms, may kakulangan pa rin tayo sa teachers na hinire. May bago na tayong DepEd Secretary and yet we still see the same problems no?” aniya.

Tinukoy naman ni Dr. Batu ang mas malalim na ugat ng krisis sa sektor ng edukasyon at ito ang kawalan ng seryosong pagtutok mula sa pamahalaan, lalo’t mas inuuna pa umano ang politika kaysa ang paghahanap ng konkretong solusyon sa mga problema.

“Ang palagay ko dito, nagbago tayo ng DepEd Secretary, we still have the same problems—ang problema diyan ang presidente kasi siya ang andiyan eh. It all goes back to him. The buck stops at the President,” giit nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble