Ekonomiya, magtutuluy-tuloy ang paglago ngayong 2023-2024—Int’l Organization

Ekonomiya, magtutuluy-tuloy ang paglago ngayong 2023-2024—Int’l Organization

MAGTUTULUY-tuloy ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2023 hanggang sa 2024.

Ito’y batay sa pag-aaral ng ASEAN+3 Macroeconomic Research Office (AMRO), isang international organization na nakabase sa Singapore.

Sa kanilang report, inaasahang makukuha ng Pilipinas ang 6.2% na paglago ng ekonomiya sa taong ito at 6.5% naman sa 2024.

Ang AMRO ay isang regional macroeconomic surveillance organization na tumutulong upang makamit ang macroeconomic at financial stability sa ASEAN+3 Region.

Ang ASEAN+3 ay binubuo ng 10 miyembrong bansa mula sa Southeast Asia kasama ang China, Japan at Korea.

 

Follow SMNI News on Rumble