Ekonomiya ng bansa, hindi pa nararamdaman ang paglago

Ekonomiya ng bansa, hindi pa nararamdaman ang paglago

WALANG pagbabago na naramdaman sa ekonomiya ng bansa.

Ito’y kahit inulat ng pamahalaan na inaasahan ang 6.1 percent na paglago sa ekonomiya ng bansa ngayong 2025 at 6.2 percent naman sa 2026.

Sa unang episode ng SUKATAN: The SMNI Senatorial Interview nitong January 18, 2025, sinabi ni dating National Commission on Indigenous People (NCIP) chairperson at ngayoy senatorial aspirant Allen Capuyan, malaki ang kakulangan sa serbisyo-publiko dahilan upang hindi makita ang totoong sitwasyon ng mga Pilipino.

Para kay 1 Rider Party List Cong. Bonifacio Bosita, maraming programa ang pamahalaan na layuning paunlarin ang ekonomiya ng bansa ngunit walang isa dito ang maayos na naipatupad.

Si Dr. Jose Montemayor Jr., sinabi na kahit noon pa ay hindi pa talaga naramdaman ng karamihan ng mga Pilipino ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.

Tanging mga mayayaman lang aniya ang nakakaramdam nito ngunit ang mga mahihirap ay lalo pang naghihirap.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble