Eksperto: Gobyerno ng Pilipinas, dapat may malawakang plano sa gitna ng banta sa Strait of Hormuz

Eksperto: Gobyerno ng Pilipinas, dapat may malawakang plano sa gitna ng banta sa Strait of Hormuz

NANAWAGAN si geopolitical analyst Prof. Anna Malindog-Uy sa pamahalaan ng Pilipinas na maghanda na ng mas malawak at pangmatagalang plano sakaling lumala ang tensyon sa Strait of Hormuz. Maaari kasi itong makaapekto sa suplay ng langis at mga pangunahing produkto sa bansa.

Sa isang panayam, binigyang-diin ni Malindog-Uy na hindi sapat ang mga kasalukuyang hakbang gaya ng subsidy para sa mga tsuper at turista, na tinawag niyang “band-aid solution” na hindi tatagal sakaling tumindi ang krisis.

“So, kailangan mo ng mas whollistic na approach when you talk about these things and when you talk about trying to prepare for any kind of eventualities. So, ganun siya rh. hindi ‘yung tipong okay lang wala namang effect iyan,” ayon kay Prof. Anna Malindog-Uy, Geopolitical Analyst.

Binatikos din niya ang tila pagkukulang ng gobyerno sa pagplano kung saan nagiging reactive lamang ito kapag nararamdaman na ang epekto ng krisis.

Giit niya, ang mas nakararaming Pilipino ang direktang tatamaan ng anumang krisis sa pandaigdigang kalakalan, kaya’t tungkulin ng pamahalaan na paghandaan ito sa pamamagitan ng pangmatagalang solusyon.

Kaya panawagan niya sa pamahalaan na sa halip na puro politika ang inaatupag gaya ng pag-usig sa mga Duterte at mga kaalyado nito ay dapat unahin ang kapakanan ng bansa.

“This Political bickerings na nangyayari sa Pilipinas, you set aside. You focus on the country and waht is good for the country and how you gonna prepare for this kind of eventualities na hindi natin kontrol kasi this is beyond our control, beyond the Philippines’ control,” saad ni Prof. Anna Malindog-Uy.

Kasalukuyang nasa ilalim ng pansamantalang ceasefire ang gulo sa pagitan ng Israel at Iran kung saan naging apektado ang Strait of Hormuz na siyang major trade route pagdating sa langis.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble