Eksperto, pinag-iingat ang publiko sa paggamit sa inflatable pool ngayong summer

Eksperto, pinag-iingat ang publiko sa paggamit sa inflatable pool ngayong summer

PINAG-iingat ng Philippine Federation of Professional Association (PFPA) ang publiko sa pagligo sa inflatable pool ngayong summer para maibsan ang matinding init na nararanasan ngayon ng publiko.

Isa aniya sa sakit na maaring makuha rito ay ang diarrhea na sakaling makalunok ng tubig mula sa pool lalo na kung hindi ito napapalitan.

Samantala, inaasahan na ng PFPA ang pagtaas ng bilang ng summer diseases dahil sa mainit na panahon na maaring maranasan ng publiko lalo na mga bata.

Ayon kay Atienza, ilan sa mga sakit na ito ay tigdas at bulutong.

Ang sakit ay partikular na mararanasan ng mga bata tuwing mainit ang panahon at maari itong maiiwasan kung sila ay nabakunahan.

Pinaalalahanan din nito ang publiko na ugaliin ang pag-inom ng tubig ng 2 litro kada araw para makaiwas sa dehydration.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter