EL SALVADOR CITY, MISAMIS ORIENTAL – Dinagsa ng mga residente ang “Ayusin Natin ang Pilipinas” campaign rally sa Barangay Amoros, Zone 7 bilang suporta kay Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy at sa PDP-Laban DuterTEN slate.
Sa kabila ng distansya, masiglang nakiisa ang mga mamamayan upang ipahayag ang kanilang paniniwala sa adbokasiyang kaayusan, disiplina, at tunay na pagbabago sa bansa.
Ayon sa mga organizer, ang naturang pagtitipon ay bahagi ng nationwide campaign caravan para sa halalan sa Mayo 12.