Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement Davao Chapter, nagsagawa ng motorcade sa Labor Day

Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement Davao Chapter, nagsagawa ng motorcade sa Labor Day

Mayo 1, 2025 – Bilang bahagi ng kanilang Senatorial campaign, nagsagawa ng isang motorcade ang Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement Davao Chapter ngayong Labor Day, Mayo 1, upang palaganapin ang kanilang suporta para kay Pastor Apollo C. Quiboloy na tumatakbo bilang senador.

Ang motorcade ay dumaan sa mga barangay na sakop ng ikalawang distrito ng Lungsod ng Dabaw, kung saan sinalubong ito ng mga residente at mga miyembro ng movement.

Ang kaganapan ay nagsilbing pagpapakilala kay Pastor Quiboloy sa mga botante sa nasabing distrito, pati na rin ang pagpapahayag ng kanilang pananaw sa mga isyu ng bayan at ang kanilang mga adbokasiya.

Ayon sa mga organizers, ang motorcade ay naglalayong ipakita ang malawak na suporta mula sa mga taga-Dabaw at mga kasapi ng movement para kay Pastor Quiboloy, na kilala bilang espiritwal na lider at founder ng Kingdom of Jesus Christ.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter