SA pagdiriwang ng kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ngayong araw, Marso 28 ay isang sikreto ang ibinuko ng kaniyang nakatatandang kapatid kaugnay sa school grades nito noong college.
Patok sa masa ang kuwento ni FPRRD dahil maraming nakaka-relate sa mga grado niyang 75.
At ngayong kaarawan ng dating Pangulo, may isang sikretong ibinunyag ang kaniyang Manang, o Ate—ang panganay nilang si Eleanor Duterte.
Sa eksklusibong panayam ng SMNI, nilinaw ng 83 anyos niyang kapatid na pagpapatawa lamang ni FPRRD na 75 lang ang kaniyang grado noon.
“Doon ako natawa kasi ‘yan si Digong noong tumatakbo pa ‘yan sa pagka-presidente, nagpapatawa sa ato na okay lang daw 75… Kahit ‘yung cabinet member niya puro mga magagaling, matitinik na abogado—75 okay na daw. Maski na noong pinarusahan siya ipinadala doon sa Digos pagkatapos ng High School. Hindi man nakakakuha ng 75 yan!” pagbubunyag ni Eleanor Duterte, panganay na kapatid ni FPRRD.
Sa tuwing maririnig aniya ni Ms. Duterte ang mga linyada ni FPRRD, naalala niya ang pagiging palabiro ng kapatid.
“Kaya pagsabi niya, sabi ko na nga—lumabas na naman ang pagiging palabiro nito. Basta na lang kung ano-ano ang sinasabi,” dagdag ni Ms. Eleanor.
Maging si VP Sara Duterte na kaniyang pamangkin, finact-check ang grado ni FPRRD.
Pati ang nanay nilang si Soledad Duterte, nag-fact check din.
“Sabi ni Inday, kinompare daw niya. Sabi ni Inday… ‘Di umuwi… Before that, umuwi muna ako. Nang umuwi ako diyan, sabi ko sa nanay ko—Hindi ko alam ‘yang 75-75 niya kasi bago na ‘yan naging Presidente. Ilan ba talaga ang score ni Digong? Sabi niya…ng nanay ko I think I remember its between 84, 85 or 86 some along sabi ng nanay ko. Sabi ko okay man pala ang grado na ‘yan?” ayon pa kay Ms. Eleanor.
Paglalahad pa ng nakatatandang Duterte na ‘pet peeve’ o kinaiinisan ni FPRRD ang mga taong mayabang.
Kaya hindi na nagtataka si Ms. Duterte kung bakit dinadaan ni FPRRD sa biro ang kaniyang school grades bilang palatandaan na hindi ito mapagmataas sa sarili.
At kung sineryoso pa aniya sana ni FPRRD ang law school, saad ni Ms. Duterte na may kapasidad ang dating Pangulo na mag-top sa Bar Exams.
“Kinuwento ng nanay ko na ‘yung mga kasama daw niya tamad man mag-aral ‘yan kahit na naging abogado. Kung nag-review lang ‘yan siya ng tarong (mabuti) ang mga classmate nila black horse daw siya baka mag-top sa bar. Hindi man nag-aral ‘yan! Pero ganon ganon lang, basta naintindihan lang. Kung talagang nag-serious lang ‘yan sa board ano niya? Sabi ng mga classmate niya si Rody kung mag-aral lang ‘yan baka mag-top! Wala man sa kaniya ‘yan! Ayon na nga parang 75 lang daw,” giit ni Ms. Eleanor.
Follow SMNI News on Rumble