Electric Flying Hoverboard ng Filipino Engineer, malaking tulong sa hinaharap

Electric Flying Hoverboard ng Filipino Engineer, malaking tulong sa hinaharap

NAKAPAG-IMBENTO ang isang Pilipino ng uri ng Transportation mode na posibleng makatulong para      makaiwas sa traffic.

Ang tinutukoy na Transportation mode ay isang electric flying hoverboard at ayon sa imbentor nitong si Engineer Kyxz Mendiola sa panayam ng SMNI News, posibleng maging tatawagin ito na electric flying taxis sa hinaharap.

Kasalukuyan namang nakikipag-ugnayan ang Star 8 Green Technology Corporation, ang partner ni Mendiola sa Department of Science and Technology (DOST) para sa naturang imbensyon.

“I think ‘yung mga partners ko po from Star 8 Green ang nakipag-usap tungkol sa mga usaping ganyan. Ginagamit po sya sa iba’t ibang paraan, sa agriculture, for delivery, isa na rin po ‘yung pong transportation and of course pwede din syang gamitin sa recreational or personal use,” pahayag ni Mendiola.

Posibleng sa loob ng isa hanggang dalawang taon ayon kay Mendiola magagamit na ng mga Pilipino ang electric flying hover boards at sa katunayan, kung wala lang aniyang pandemya ay nakakapag-mass production na sila ngayong taon.

Maliban sa electric flying hoverboard, gumagawa rin si Mendiola ng robots na maaaring makakatulong sa laban kontra COVID-19.

Samantala, ang naimbentong electric flying hoverboard ni Mendiola ay nakapag-set ng bagong World Record bilang may pinakamahabang lipad kamakailan lang.

SMNI NEWS