Electronic LGU system caravan, sentro sa pulong sa Malacañang

Electronic LGU system caravan, sentro sa pulong sa Malacañang

TINALAKAY sa pulong sa Malacañang ang tungkol sa electronic Local Government Unit (eLGU) system caravan nitong Enero 23, 2024.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang naturang sectoral meeting sa Palasyo.

Ang eLGU ay kabilang sa mahahalagang bahagi ng eGov PH Super App ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ito ay isang mobile application na nagsasama-sama ng multi-sectoral government services sa isang single platform.

Sumasaklaw ito sa malawak na hanay ng mga serbisyo ng lokal na pamahalaan tulad ng business permit licensing, community tax, local civil registry, at marami pang iba.

Ang eLGU nationwide caravan ay pinagsamang proyekto ng Anti-Red Tape Authority (ARTA), Department of the Interior and Local Government (DILG), at DICT, na nakaangkla sa whole-of-government agenda ng administrasyon.

Sa pagpupulong, maikling iniulat ni DILG Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos, Jr. ang mga hakbangin na ipinatupad ng departamento sa pagpapabuti ng bureaucratic efficiency ng mga LGU.

Ibinahagi ng kalihim na noong Disyembre ng nakaraang taon, 921 (mula sa 1,634) na mga LGU ay mayroon nang business permit system.

Sa bilang na ito, 799 LGUs ang gumagamit ng eLGU system habang 122 lokalidad ang may sariling innovative system.

Sa isang hiwalay na presentasyon, iniulat ni ARTA Secretary Ernesto Perez na 19 na lokalidad ang determinadong magkaroon ng ganap na streamlined at automated Electronic Business One Stop Shops (eBOSS), na alinsunod sa Section 11(c) ng Republic Act (RA) No. 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble