NAGTIPON-tipon ang mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Rizal Park sa Gingoog City, Misamis Oriental upang ipagdiwang ang kaniyang ika-80 kaarawan. Halo-halong emosyon—tuwa, lungkot, at pananabik—ang bumalot sa pagdiriwang.
Marami ang naging emosyonal habang ipinapahayag ang kanilang pagmamahal at patuloy na suporta kay Tatay Digong.
Isang patunay na hindi matitinag ang tiwala ng masa sa tunay na lider!