Enero 27, idineklarang holiday para sa mga Muslim

Enero 27, idineklarang holiday para sa mga Muslim

IDINEKLARA ng Malacañang na isang Muslim holiday ang araw na ito ng Lunes, Enero 27, 2025.

Ito’y upang gunitain ang Isra Wal Mi’raj o ang Gabi ng Paglalakbay ng Propeta Muhammad mula Mecca papuntang Jerusalem.

Maging ang ascension o pag-akyat nito sa langit.

Nilinaw ng Malacañang na tanging ipatutupad ang holiday sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at iba pang lugar na saklaw ng Muslim code.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble