SA Hulyo na ang ikalawang studio album ng K-pop boy group na Enhypen.
Sa anunsiyo ng grupo, “Romance: Untold” ang pamagat ng magiging album.
Kahit na sa Hulyo 12 pa ang release ay nagsimula na rin nitong Hunyo 17 ang pre-order ng album.
Kung matatandaan, taong 2021 nang ini-release ang kanilang first studio album na may pamagat na “Dimension: Dilemma”.