PINANGARALAN ni dating Senate President at ngayon ay Chief Presidential Legal Counsel Sec. Juan Ponce Enrile si Senator Loren Legarda hinggil sa bagong pahayag nito na mistulang pagdepensa pa rin sa teroristang komunistang CPP-NPA-DNF.
Matatandaan na ang kontrobersyal na pahayag ni Legarda ay ang ang sinabi nitong hindi kalaban ng estado ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) at inaming nakatrabaho nito ang NDF.
Na sinundan ng pahayag na mistula pa ring idinepensa dahil hindi kinondena ang teroristang grupo bagkus ay isinulong pa ang muling pagbabalik ng peace talk na napatunayan nang ginagamit lang ng CPP-NPA-NDF para muling magpalakas ng pwersa.
Sa programang Dito sa Bayan ni Juan, sinabi ni Enrile na mas mainam kung mababasa ni Legarda ang libro ni Chalmers Johnson na “Revolutionary Change” kung gaano kalaki ng papel na ginagampanan ng ‘united front’ sa estratehiya ng rebolusyon ni Vladimir Lenin at ang libro din na “Left-Wing” Communism: an Infantile Disorder na sulat ni Lenin.
Giit ni Enrile, ang isinusulong ni Legarda na peace talk ay bahagi lang ng panloloko ng teroristang komunistang grupo sa gobyerno at sa taumbayan kabilang na si Legarda.
Matatandaan na kabilang si Enrile sa pinuri ni Pastor Apollo C. Quiboloy na nangunguna ngayon sa bansa sa pakikipaglaban sa CPP-NPA-NDF dahil sa matapang na pahayag ng beteranong mambabatas laban sa teroristang komunistang grupo.