Epektibong bakuna kontra ASF, natukoy na—DA-BAI

Epektibong bakuna kontra ASF, natukoy na—DA-BAI

NAKAHANAP na ng epektibong bakuna kontra African Swine Fever ang Bureau of Animal Industry (BAI) ng Department of Agriculture (DA).

Ito ay matapos ang serye ng vaccine field trial kung saan napatunayang 100 porsiyentong epektibo ang bakuna dahil sa nakapag-produce ito ng antibodies sa mga baboy.

Ayon kay BAI Assistant Director Dr. Arlyn Vytiaco, nai-endorso na sa FDA nitong Hunyo 1 ang AVAC ASF Live Vaccine na mula sa Vietnam.

Isinagawa sa loob ng 21 araw ang clinical trials simula Marso hanggang Mayo ng 2023 sa 6 na farms sa Luzon.

Pagbabakuna kontra ASF, posibleng masimulan na ngayong 2023 sa sandaling maaprubahan ng FDA ang bakuna—DA-BAI

Dahil sa naturang rekomendasyon ng BAI, nasa FDA ngayon ang bola kung kailan mailalabas ang Certificate of Products Registration (CRA) para naman dito sa Pilipinas.

Isa ito sa mga requirement para makapag-import ng unang batch o 600,000 doses ng bakuna kontra ASF.

At sa oras mailabas ito ng FDA, malaki ang tiyansya na masimulan na ito ngayong taon.

Punto ng BAI, nag-uunahan na kasi ang ibang bansa sa pagbili ng bakuna mula Vietnam.

Sa ipinadalang mensahe naman ni FDA spokesperson Atty. Job Aguzar, kinumpirma nito na natanggap na ng ahensiya ang rekomendasyon ng BAI.

Ngunit, kailangan muna nitong sumailalim sa pre-assessment para mas masigurong kalidad ang bakuna at ligtas na iturok at bilhin.

“If acceptable, the FDA shall facilitate the evaluation of the submitted dossier to determine the quality, safety and efficacy of the ASF vaccine. At the same time, a request for permit to import additional doses of the vaccine was received today to support the on-going phase 2 clinical trial being conducted by the applicant with BAI,” pahayag ni Atty. Job Aguzar, Spokesperson, FDA.

Gayunman, sinisimulan na ng BAI ang pagbuo ng technical working group para sa pagbalangkas ng guidelines at commercialization ng bakuna sa Pilipinas.

Ngunit, aminado ang sektor ng Agrikultura na mahihirapan sila sa pagbili nito dahil sa walang pondo ang ahensya.

Punto naman ni Chester Tan, chairman ng National Federation Hog Farmers dapat lang na akuin o i-subsidize ng DA ang kahit 50%.

“Sana naman if they cannot afford to subsidize 100% at least siguro 50%. Kasi, sa commercial farm medyo I think wala pa tayong presyo sa ngayon kung magkano per dose. Pero, I think it’s not that cheap baka mahal din ito. So, ‘yung commercial farm they also need subsidy na kahit na kalahati and for the small scale backyard ‘yun ang hiling natin na sana for this time itong for the start man lang ay sana ma-subsidize naman ng ating ng DA ‘yung para dito sa mga small scale kasi I don’t think they can afford,” saad ni Asec. Rex Estoperez, Deputy Spokesperson, DA.

Welcome development naman aniya sa mga magbababoy ang natuklasang epektibong bakuna ng BAI.

Sagot na aniya ito sa matagal nang problema na iniinda ng sektor sa 4 na taon.

Base kasi sa datos ng Philippine Statistics Authority, nasa 12 milyon na inaalagaang baboy ang mayroon sa bansa bago ang pananalasa ng ASF.

Pero, dahil sa sakit na ito na nagsimula noong 2019 nasa 10 milyon na lamang ang populasyon ng baboy ngayon.

Ito ay base sa datos ng PSA noong buwan ng Marso 2023.

Ibig sabihin, nasa 2 milyon baboy ang natagas o namatay dahil sa sakit dulot ng ASF.

Giit ni Representative Nicanor Briones ng AGAP Party-list, kung pinoproblema ang pondo para sa pagbili ng bakuna.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter