Epektibong flood control, ipinangako ni PBBM

Epektibong flood control, ipinangako ni PBBM

IPINANGAKO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mabibigyan ng long-term solution ang pagbabaha na nangyayari sa bansa gaya ng sa Cavite.

Aniya, posibleng may aprubado nang project para dito galing sa JICA (Japanese International Cooperation Agency).

Ayon kay Pangulong Marcos, kasabay ng flood control system ay palalakihin yung mga ilog para mas malawak ang dadaanan ng tubig tuwing may malakas na ulan.

Samantala, tinitingnan na ni Pangulong Marcos kung ano ang maaaring gagawin para sa mga magsasaka na apektado ang kanilang mga pananim.

Naiintindihan naman ng Pangulo na marami ang naaapektuhan na mga sakahan dahil sa planting season ngayon.

 

Follow SMNI News on Twitter