NILINAW ng Department of Transportation (DOTr) na walang problema sa power supply mula sa Meralco.
Sa kabila ito ng pinaniniwalaang aabot sa 282 na flights ang na-cancel, na-divert at na-delay sa unang araw ng bagong taon.
Ayon sa DOTr, ang problema ay sa equipment na ginagamit ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Inamin naman ng CAAP na ang kanilang Communication, Navigation and Surveillance (CNS) ay outdated na.
Bandang 9:50 ng umaga ng Linggo nang madiskubre ng CAAP ang technical issues sa Philippine Air Traffic Management Center.
5:00 ng hapon naman ay tumatanggap na muli ng flights ang NAIA dahil sa partial restoration ng Air Traffic Management System. Equipment