AVAILABLE sa pay-per-view ang magiging concert ng Eraserheads!
Ito’y dahil inanunsyo na makikita ang concert sa Smart Livestream App.
Bagama’t may bayad ang pagbisita sa online streaming, isang oportunidad para sa fans ng Filipino rock band ang makita pa rin ang concert na nakatakda sa December 22, 2022 kahit pa naubusan na ito ng available tickets.
Ang concert na ito na gaganapin sa SMDC Festival Grounds, Parañaque City ay ang pinakauna para sa Eraserheads sa loob ng 8 taon.