ERC unit ng PH Army, nakahanda nang rumisponde ngayong tag-ulan—PA Spox

ERC unit ng PH Army, nakahanda nang rumisponde ngayong tag-ulan—PA Spox

KABILANG sa mga responsibilidad ng Philippine Army ang siguraduhing ligtas ang mamamayan sa panahon ng kalamidad.

Ngayong unti-unti nang nararanasan ang mga pag-ulan at pagpasok ng bagyo dito sa bansa ay masusubukan ang katatagan hindi lang ng Philippine Army kundi ng mga Pilipino.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News kay Col. Louie Dema-ala, tagapagsalita ng Philippine Army, sinabi nito na magmula nang maupo bilang commanding general ng Philippine Army si LtGen. Roy Galido noong nakaraang taon, ay inorganisa at inilagay na sa ayos ang lahat ng emergency response companies ng Philippine Army bilang paghahanda sa mga hindi inaasahang kalamidad.

“It started last year the Commanding General Philippine Army LtGen. Galido initiated the re-organization ‘yung tinatawag nating emergency response companies ng different Philippine Army major units,” saad ni Col. Louie Dema-ala, Spokesperson, PA.

Ang nasabing ERC aniya ang unang nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang tumulong sa panahon ng kalamidad.

“Sila ‘yung immediate units capable to respond to any scenarios pagdating sa HADR itong mga bagyo, ito sila equiped sila for that reaponse in collaboration with the different MDRRMO and the PDRRMO,” dagdag ni Dema-ala.

Ang nasabing pahayag ni Col. Dema-ala ay kaugnay ng patuloy na nararanasang sama ng panahon na dulot ng Bagyong Aghon.

Mahigit walong libong pamilya, apektado ng Bagyong Aghon

Sa ngayon ay kasi umabot na sa mahigit 8,000 pamilya o katumbas ng nasa mahigit 19,000 indibidwal ang apektado ng Typhoon Aghon.

Sa nasabing bilang ay umabot sa mahigit limang libong indibidwal ang pansamantalang sumisilong sa 81 evacuation centers ngayon

Ito’y base sa inilabas na datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Patuloy namang biniberipika ang pitong naitalang sugatan dulot ng masungit na panahon.

Wala pa namang naitalang nasawi o nawawala sa kasagsagan ng bagyo.

Mula naman sa anim ay umakyat na sa 13 lugar ang binaha sa bandang MIMAROPA.

Kaugnay rito, pinuri ni Col. Dema-ala ang mga lokal na pamahalaan na apektado ng bagyo dahil wala aniyang natanggap na report ang Philippine Army na may humingi ng tulong sa kanilang mga ERC.

Patunay aniya ito na handa ang nga ang LGUs sa anumang sakuna.

“Sa ngayon wala tayong report na nagamit sila, it only means, it’s an indication na maganda ang performance ng LGUs natin kumbaga capable na sila on their own,” ani Dema-ala.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble