Erez Crossing sa North Gaza, binuksan ng Israel

Erez Crossing sa North Gaza, binuksan ng Israel

BINUKSAN ng Israel ang natatanging crossing sa hilagang bahagi ng Gaza Strip nitong Mayo 1, 2024.

Sa pagbubukas ng Erez checkpoint ay pinapasok din ang ilang mga aid truck.

Ang pagbubukas ay tugon ng Israel sa utos ng Estados Unidos at panawagan ng international aid agencies sa nakalipas na mga buwan.

Matatandaang sinarado ang Erez crossing matapos masira ito nang mag-umpisa ang digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas militant group ng Palestine.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble