Erika Poturna at Kobe Paras, inunfollow na ang isa’t isa sa Instagram

Erika Poturna at Kobe Paras, inunfollow na ang isa’t isa sa Instagram

NAGKAKAROON ng spekulasyon ng hiwalayan ang celebrity couple na sila Kobe Paras at Erika Poturnak matapos nilang i-unfollow ang isa’t isa sa kanilang Instagram account.

Ito ay ilang araw lamang matapos na ibahagi ni Poturnak sa Instagram ang mga sweet nilang larawan ni Paras nang ipagdiwang ang kaarawan nito.

Binura din ni Paras ang lahat ng larawan nito sa kanyang Instagram habang binura naman ni Poturnak ang mga larawang kasama nito si Paras sa sarili nitong IG.

Bagaman, hindi kinumpirma ng dalawa kung ano ang namamagitan sa kanila, nakadagdag ng spekulasyon ang mga ibinahagi nitong larawan sa kanilang IG nang magkasama para sa posibleng relasyon ng mga ito.

 

Follow SMNI News on Twitter